Wednesday, March 22, 2006
Eto nanaman ako...
Okay... sabi ng mga kaibigan ko grabe daw ang utak ko mag-isip. Lumulutang ang isip. As in. Paranoid daw. Ang di dapat iniisip, di maalis sa utak. To the point na kung ano ang pinakahuling naiisip ko nung kinagabihan bago matulog, ay to be continued pa pala pagkagising ko kinaumagahan.
Sakit sa ulo. Grabe.
Di ko mapigilan... kung pwede nga lang.
So ano ba problema ko? Baka natatanong mo. Well... madami. Yung iba mas mahirap dalhin kasi di ko malabas. Ngayon lang ako nagkimkim ng problema ng ganito. Kung may mapagsasabihan lang o matatakbuhan. Kung meron lang makikinig. Pero hindi yun eh. Naiisip ko din na maraming masasaktan. Kaya iniisip ko, ako na lang. Kaya ko naman. Shyet... martyr?! Mahirap. Pero kaya. Pero kung pwede lang sanang may mapagsabihan ng problema. Kung pwede lang...
Drama ba?
Hehehe!
Isa pa yan. Naiisip ko din na ako ba ay tumatawa para lang takbohan ang problema? Lumisan man lang kahit saglit sa kabwisitan sa buhay? O pinipilit ko lang ba ang sarili kong maging masaya kahit hindi naman?
Shyeeeet...
Isipin ko man na maraming taong mas may malaking problema pa sa kin, eto pa rin ako. Di makontento sa kung anong meron ako. Isa na diyan ang mga pagkakataon na magkaroon ng magandang trabaho o ang makapag-ibang bansa. Nakita ko na ang mga hirap ng mga taong gustong makaalis. Gumagapang para lang makahanap ng trabaho. Pipila maghapon, maghihintay minsan para sa wala, at gagastos sa kung anu-anong bagay para sa resultang di garantisadong pabor sa kanila. Tangina! Ang sarap-sarap dito sa Pilipinas bakit ba gustong-gusto niyong umalis?! Maganda lang tingnan sa TV ang Amerika. Galing na ko dun. Na-depress pa nga ako eh. Kayo din... sige.
Eto pa. Alam mo yung feeling na pinapasukan mo ang isang bagay na napipilitan ka lang gawin? Parang obligado ka talagang gawin ang isang bagay para sa kapakanan mo at kasiyahan ng mga magulang? Ngunit alam mo din na pag tinuloy mo ay di ka na makakaalis sa inyong kinaroroonan? Black hole ito!!! Ampotah... pero di nga... alam mo ba yung feeling na yun? Nakakainis! Praktikal kung praktikal... pero kaya mo bang isangla ang sarili mong kaligayahan para sa kaligayahan ng iba? Hay... yan ang nararamdaman ko. Ni hindi ko na hawak ang sarili kong oras. Para bang hindi na ako malaya gawin ang gusto ko.
Hay buhay... parang life...
Nga pala. Lapit na birthday ko. Ano naman kaya nag maihahandog sa akin ng tadhana sa isa nanamang taon ng buhay ko? Ang taong ito... grabe... rollercoaster! Pero ayos lang. Marami naman akong natutunan. Nalaman ko din kung gaano kalakas ang loob ko. Di ko akalain na magagawa ko ang lahat ng nagawa ko. Elibs na nga ako sa sarili ko eh. O baka hindi ko lang alam manhid pala ako.
Hay naku... marami pa akong pagdadaanan. Bata pa ko. Ano pa kaya mangyayari sa kin? Sana graduate na ko sa mga kumplikasyon? O dadami pa kaya? Yoko na!
Shyet... nga pala. Kailangan ko na maglinis ng kwarto. Anubayan! Sorry naman. Inamin ko naman na meron akong problema sa pag-aayos. Alam mo yung feeling kapag may problema ka na kung tutuusin ang dali-dali gawan ng solusyon pero di mo magawa? Ganun ako sa kwarto ko. Tititigan ko lang at iisipin na kay daling linisin pero bakit di ko magawa. Kakainggit tuloy mga OC. Pano niyo nagagawa yun? Pero sa totoo lang... alam ko naman na kaya kong gawin. Baka nga naman tamad lang ako, di ba? Bullet day (Tagalogin), lilinis ka din. At balang-araw din (o, gets niyo na?), mababasa ko itong mga pinagsusulat ko at pagtatawanan ang sarili ko sa mga walang kakwenta-kwentang kababawan ko. Darating din yun. Darating din.

Comments:
<< Home
Cool blog, interesting information... Keep it UP subaru wrx exhaust Bird toys Pick up the phone sound effect Jr tampa fax Volvo bl70 Mitsubishi lancer accessory subaru brat 1800's kitchen remodeling Rent a car malaga airport mc neil arkansas aston martin cars for sale http://www.subaru-3.info/Nice-subaru.html
Cool blog, interesting information... Keep it UP allegra d tips to get rid of acne rent car hertz kangaroo island water bed supply Sennheiser pc-120 single-sided headset with microphone account allinanchor card credit hawaii merchant Meridia boost metabolism Fucking soccer mom Cristy lake fitness model hummer dealerships Steadicam for minidv
Post a Comment
<< Home